Umalma ang mga kaibigan ni Angel Locsin sa mga ibinabatong intriga sa aktres na diumano’y lasenggera, gimikera at lumayas sa bahay. Kabi-kabilang write-ups kasi ang nagsilabasan sa websites at sa print kamakailan na puro naglalaman ng mga intriga na ibinabato sa aktres ngayon.
Kamakailan daw ay naglayas si Angel sa kanilang bahay at dumiretso sa airport at lumipad patungong Hong Kong. Subalit noong araw ding iyon ay nag-post naman si Angel sa kanyang Twitter account na nagsasabing naglilinis siya ng bahay.
Ang kanya naman daw pag-iinom ay dulot ng pagiging bad influence ng kanyang kaibigan, ang vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda. “Actually si Angel at si (Chito) silang dalawa ang sobrang maalaga sa sarili nila. So hindi ko alam kung bakit sila nai-isyu ng ganon,” ani Cristine Reyes sa panayam sa kanya ng The Buzz. “Sa tinagal-tagal na magkakilala kami, never ko naman siyang nakitang nalasing,” ayon naman kay Valerie Concepcion, kaibigan din ni Angel.
Itinanggi naman ng ex-boyfriend ni Angel na si Luis Manzano ang mga paratang sa aktres at sinabing puro walang katotohanan ang mga pagbibintang sa kanya. “I can vouch for it. I can bet everything that I have [na] hindi siya lasenggera. She is not an alcoholic. I know that for a fact and people who know her and people who love her know that na hindi siya ganun.”
SA POV (Points, Opinions, Violent Reactions) portion ng The Buzz noong March 21 ay nagsabi rin ng pagsuporta sina Boy Abunda at Kris Aquino na sinabing personally ay alam nilang hindi magagawa ni Angel ang mga ibinibintang sa kanya. “Masasabi ko lang you cannot put a good woman down,” ani Kris. “You can say all the nastiest things in the world about her but babangon at babangon ‘yan why, she has a good heart. Matulungin siya sa ibang tao na sincere na hindi man pini-press release pa and she’s a good frined. So ako I’m standing by you on this, Gel.”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)




0 comments:
Post a Comment